Sa briefing ng United Nations Security Council (UNSC) sa kalagayan ng Gitnang Silangan na kinabibilangan ng isyu ng Palestina Huwebes, Agosto 22, 2024, sinabi ni Fu Cong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN na ang negosasyon sa tigil-putukan at pulitikal na solusyon ay pundamental na paraan para sa pagresolba sa isyu ng Palestina.
Diin ni Fu, ang bulag na pananampalataya sa pagsasakatuparan ng isang ganap na tagumpay sa Gaza sa paraang militar ay magreresulta lamang ng mas malaking kasuwalti ng mga inosenteng sibilyan.
Hindi ito lilikha ng mga kondisyon para sa pagpapalaya ng mga dinukot, at hindi rin magdudulot ng kapayapaaan o katahimikan sa Israel at rehiyon, aniya.
Tinukoy ng diplomatang Tsino na hindi dapat isapulitika ang humanitaryang isyu, hindi dapat gawing sandata ang kagutuman, at hindi rin dapat gawing bargaining chip ang buhay ng mga sibilyan.
Ipinagdiinan niyang ang sustenableng seguridad ay maisasakatuparan sa paggigiit ng konsepto ng komong seguridad lamang, at ang kapayapaang panrehiyon ay dapat itatag, sa pamamagitan ng responsableng sigasig ng lahat ng mga panig.
Hinihimok aniya ng Tsina ang Israel na itigil kaagad ang lahat ng mga operasyong militar sa Gaza, itigil kaagad ang mga aksyon nitong magpapalala ng situwasyon ng rehiyon, at itigl kaagad ang paglalagay ng hadlang sa tigil-putukan sa Gaza.
Salin: Vera
Pulido: Ramil