Nagpulong ang mga kinatawan mula sa mga miyembrong estado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa lalawigang Luang Prabang sa hilagang Laos, at tinalakay nila ang tungkol sa pagpapalakas ng rehiyonal na konektibidad at katatagan.
Ayon sa ulat ng Ministring Panlabas ng Laos, pinangunahan nito Agosto 21, 2024, ang ASEAN Senior Officials’ Meeting (SOM), na nilahukan ng naturang mga kinatawan.
Sa pulong, sinuri ang pagpapatupad ng mga desisyong ginawa sa ika-57 ASEAN Foreign Ministers' Meeting at mga kaugnay na pulong, lalo na ang pagpapatupad ng siyam na priyoridad sa ilalim ng ASEAN chairmanship ng Laos noong 2024 sa ilalim ng temang “ASEAN: Enhancing Connectivity and Resilience.”
Napagpasyahan ng mga opisyal sa pulong na ang pangkalahatang gawain sa bagay na ito ay umuunlad nang maayos.
Tinalakay din sa pulong ang pagpapatupad ng plano ng aksyon para maging ganap na miyembro ng ASEAN ang Timor-Leste at mga aplikasyon ng mga bansa sa labas ng rehiyon upang maging kasapi ng Treaty of Amity and Cooperation sa Timog-Silangang Asya.