Kasama ng ASEAN, handa isulong ng Tsina ang kapayapaang panrehiyon

2024-06-20 15:43:05  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati sa isang porum hinggil sa panghinaharap na relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Hunyo 19, 2024 sa Jakarta, Indonesia, sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na kasama ng ASEAN, nakahandang isakatuparan ng Tsina ang komong pag-unlad, rehiyonal na kapayapaan, katatagan at kasaganaan.

 

Nais pabutihin ng Tsina ang pag-u-ugnay ng sariling estratehiya ng pag-unlad sa mga estratehiya ng pag-unlad ng mga bansang ASEAN, at suportado rin ng bansa ang pagtatatag ng komunidad ng ASEAN at nukleo nitong katayuan sa arkitekturang panrehiyon, aniya.

 

Umaasa si Wang na sasamantalahin ng mga may-kinalamang panig ang porum para iharap ang magagandang mungkahi hinggil sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN sa hinaharap, at pasulungin ang maayos at pantay na pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang panig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Jade