Ayon sa pandaigdigang sarbey na ginawa kamakailan ng China Global Television Network (CGTN), ipinahayag ng maraming respondente na ipinakikita ng pinakabagong action game na "Black Myth: Wukong" na ginawa ng kompanyang Tsino ang sikat na industriya ng laro ng Tsina, at pinasigla rin ang kanilang interes sa tradisyonal na kulturang Tsino.
Tinukoy ng mga pandaigdigang video game at entertainment media, na ang mataas na lebel ng produksyon ng "Black Myth: Wukong" ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagiging popular nito sa mga manlalaro sa daigdig. Ang palagay na ito ay sinang-ayunan ng mga respondente sa sarbey. Sinabi ng 88.2% ng mga respondente, na kinakatawan ng larong ito ang mahusay na paggawa ng ganitong uri ng laro sa Tsina, at nagpapakita rin ng malaking potensyal sa industriya ng laro ng bansa.
Umaakit din sa mga manlalaro sa buong mundo ang maraming elemento ng kulturang Tsino sa "Black Myth: Wukong." Halimbawa, ang laro ay hango sa klasikong kuwentong mitolohikal ng Tsina na "Journey to the West," isinasama nito ang pamanang kultural ng Tsina na tinatawag na Shuo Shu o tradisyonal na pagsasalaysay ng kuwento, at itinatampok din ang mga makatotohanang representasyon ng ilang kilalang lugar na pangkasaysayan at pangkultura ng Tsina.
Ayon sa sarbey, ipinalalagay ng 92.1% ng mga respondente, na ito ay bagong paraan para malaman at maunawaan ng mga tao ng ibang bansa ang namumukod tanging tradisyonal na kultura ng Tsina, at sinabi naman ng 89.6% na dahil sa larong ito, gusto nilang basahin ang "Journey to the West."
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos