Tuesday, 25  Mar

Humanoid robot, ibinibida sa World Robot Conference 2024

2024-08-23 15:42:57  CMG
Share with:


Binuksan Miyerkules, Agosto 21, 2024, sa Beijing ang World Robot Conference 2024 na nagtatampok at nagtatanghal sa 27 uri ng humanoid robot na lumikha ng bagong rekord sa kasaysayan ng kaganapang ito.

 

Bukod sa mga humanoid robot, makikita rin dito ang mga mekanikong braso at mga robot na ginagamit sa iba’t ibang sektor gaya ng pang-industriya, pagpapadala o paghahatid, pagpapagamot, pang-edukasyon at trabahong-pambahay, na nagpapakita ng dibersidad at inobasyon sa teknolohiya ng robot.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil