Hari’t Inang Reyna ng Kambodya, bumiyahe sa Tsina para sa regular na pagsusuring medikal

2024-08-26 16:50:34  CMG
Share with:

Phnom Penh, Kambodya -- Umalis Lunes, Agosto 26, 2024, patungong Beijing, kabisera ng Tsina, si Haring Norodom Sihamoni at ang kanyang ina, dating Reyna Norodom Monineath Sihanouk ng Kambodya, para sa regular na pagsusuring medikal.

 

Dalawang beses bawat taon nagpapasuri ng kalusugan ang dalawang monarka sa Tsina.

 

Ang kanilang pinakahuling biyahe ay noong Pebrero 2024.