19 katao, patay sa baha at mudslide sa silangang Indonesia

2024-08-27 17:34:39  CMG
Share with:

Ipinahayag Agosto 26, 2024, ng departamento ng disaster relief ng lalawigang Hilagang Maluku, silangang Indonesia, na ikinasawi ng 19 na katao at ikinasugat ng 7 iba pa ang naganap na pagbaha at mudslide sa Nayon ng Rua, Lungsod ng Ternate noong Agosto 25.

 

Sa kasalukuyan, puspusan ang mga rescue operation ng lokal na pulisya, militar, at mga rescue team para iligtas ang mga apektadong residente.

 

Sinabi ng pinuno ng ahensya na natagpuan ng mga tagapagligtas ang mga labi ng 19 na biktima at nagdeklara ang pamahalaan ng 14 na araw na state of emergency sa apektadong lugar.

 

Ayos sa ulat ng National Disaster Management Agency ng Indonesia, ang ahensya ay namahagi ng mga pang-emerhensiyang suplay tulad ng pagkain, damit sa mga apektadong residente, at planong magsagawa ng koordinasyon kasama ng lokal na pamahalaan para talakayin ang rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad. 


Salin: Zheng Zihang

Pulido: Ramil