Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina Martes, Agosto 27, 2024, mula noong Enero hanggang Hulyo ng taong ito, halos 4.1 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng tubo ng mga pangunahing bahay-kalakal na industriyal ng bansa, at ito ay tumaas ng 3.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, lumaki ng 12.8% ang tubo ng industriya ng hay-tek na manupaktura noong unang 7 buwan ng kasalukuyang taon, at lumago naman ng 10.2% ang tubo ng industriya ng pagmamanupaktura ng consumer goods.
Salin: Vera
Pulido: Ramil