Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Mayo 27, 2022 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, nitong Abril, ang pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ilang lugar ng bansa ay nagbunsod ng may kalakihang epekto sa produksyon at pamamalakad ng mga kompanyang industriyal, at bumaba ang tubo nila.
Mula noong Enero hanggang Abril, lumaki ng 3.5% ang tubo ng mga industrial enterprises above designated size ng buong bansa kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Sa harap ng matindi’t masalimuot na kalagayan, mataimtim na ipinapatupad ng iba’t ibang lugar at departamento ang mga desisyon at hakbangin ng pamahalaang sentral, para aktibong harapin ang epekto ng pandemiya.
Salin: Vera
Pulido: Mac