Ipinahayag, Huwebes, Agosto 13, 2024 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na tumaas ng 5.1% noong Hulyo ang value-added industrial output ng bansa kumpara sa gayun ding panahon ng nakaraang taon.
Ang value-added industrial output ay isang mahalagang indikasyon ng ekonomiya.
Ayon pa rin sa naturang kawanihan, noong Hulyo, lumaki ng 2.7% ang tingiang benta ng mga produktong pangkonsumo ng Tsina, na umabot sa 3.78 trilyong yuan RMB o tinatayang 528.82 bilyong dolyares, kumpara sa nakaraang taon.
Sa unang pitong buwan, tumaas ng 3.5% ang tingiang benta kumpara sa nakaraang taon, na may halagang umabot ng higit sa 27.37 trilyong yuan RMB.
Samantala, sa unang pitong buwan naman ng taong ito, tumaas ng 3.6% ang fixed-asset investment ng Tsina kumpara sa nakaraang taon.
Salin: Qiu Siyi
Pulido: Ramil