GDP ng Rusya, lumago ng 4.6% sa unang hati ng 2024

2024-08-28 16:34:11  CMG
Share with:

Inihayag, Agosto 26, 2024 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na lumago ng 4.6% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa unang hati ng 2024.

 

Aniya, nananatiling malakas ang kasalukuyang konsumo sa Rusya, at ang tingiang negosyo ay tumaas din ng 8.8% sa unang anim na buwan ng taon.

 

Dagdag ni Putin, upang pigilan ang implasyon, itinaas ng Bangko Sentral ng Rusya ang benchmark interest rate.

 

Kasabay nito, nag-ambag ang paglago ng ekonomiya at pagtaas ng sahod ng mga empleyado sa paglago ng badyet ng bansa, dagdag niya.

 

Ipinakikita ng iba't-ibang indeks na sapat sa kabuuan ang kompiyansa sa industriya, agrikultura, at serbisyo ng bansa, at matatag na tumatakbo ang mga negosyo sa bansa, ani Putin.

 

Salin: Tala

 

Pulido: Rhio