Sa kanyang paglalahad sa kalagayan ng ika-4 na shuttle diplomacy hinggil sa krisis ng Ukraine, Agosto 27, 2024, sinabi ni Li Hui, Espesyal na Kinatawan ng Pamahalaang Tsino sa mga Suliraning Eurasian, na ikinababahala ng iba’t-ibang panig ang panganib ng paglalala ng sagupaan.
Kaugnay nito, hanga aniya ang maraming bansa sa papel ng bagong 6 na komong palagay ng Tsina at Brazil para lutasin ang nasabing krisis.
Ani Li, umaasa ang mga may kinalamang bansa na mapapabuti ang kanilang pakikipagpalitan sa Tsina para pasulungin ang pantay at makatarungang paglutas sa krisis na ito.
Patuloy aniyang isusulong ng Tsina ang pulitikal na kalutasan ng naturang krisis.
Sa katatapos na ika-4 na round ng shuttle diplomacy, bumisita si Li sa Brasil, Timog Aprika at Indonesya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio