Tulong at pansin ng ibang bansa sa Aprika, suportado ng Tsina

2024-08-29 18:19:22  CMG
Share with:

Inihayag, Agosto 28, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagbibigay-tulong sa pag-unlad ng Aprika ay karaniwang responsibilidad ng komunidad ng daigdig.

 

Katulad ng ginagawa ng Tsina, katanggap-tanggap aniya ang tulong at pansin ng ibang mga bansa sa pag-unlad ng kontinente.

 

Handa ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, na itaguyod ang kaunlaran at kasaganaan ng Aprika, at dalhin ang benepisyo sa mga mamamayan nito, ani Lin.

 

Dagdag niya, ang kooperasyon ng Tsina sa Aprika ay laging nakabatay sa pangunahing interes ng mga mamamayan ng dalawang panig, at naglalayong isulong ang pag-unlad ng Aprika sa pamamagitan ng pag-unlad ng Tsina, at itaguyod ang modernisasyon ng Aprika sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.

 

Salin: Shi Weiyang

 

Pulido: Rhio