Tsina, patuloy na magsisikap para pawiin ang karalitaan sa Aprika – MOFA

2024-08-26 17:15:23  CMG
Share with:

Kaugnay ng kooperasyon ng pagpawi ng karalitaan, ipinahayag Agosto 26, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ito ay komong misyon ng buong sangkatauhan, at komong mithiin ng mga mamamayan ng Aprika.

 

Sa ilalim ng framework ng Porum sa Kooperasyon ng Tsina at Aprika, isinasagawa aniya ng dalawang panig ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagpawi sa karalitaan at natamo ang maraming bunga nitong ilang taong nakalipas.

 

Tinukoy ni Lin na ang Tsina ay malakas na tagataguyod sa paghahanap ng bagong landas ng modernisadong pag-unlad, at mahalagang kontribyutor para sa bagong paraan ng pagpawi ng karalitaan ng Aprika.

 

Nakahanda ang Tsina, na gawing pagkakataon ang 2024 Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika upang pawiin ang karalitaan, at likhain ang mas magandang kinabukasan ng mga mamamayan sa Aprika, aniya pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio