Sinabi, Agosto 28, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na hindi totoo ang mga impormasyon ikinakalat ng ilang media, organisasyon at pulitiko ng kanlurang bansa hinggil sa Xizang.
Binigyan-diin ni Lin na palagian at maliwanag ang paninindigan ng Tsina sa isyung may kinalaman sa Xizang.
Ang mga suliranin ng Xizang ay suliraning panloob ng Tsina at hindi dapat makialam dito ang anumang puwersang panlabas, aniya.
Sa mahabang panahon, malusog aniya ang pag-unlad ng kabuhayan ng Xizang, matatag ang lipunan, napapangalagaan ang kultura at tradisyon, at pinatataas ang lebel at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Dahil dito, taos-puso aniyang nagpupuri ang mga mamamayan ng iba’t-ibang etniko sa Xizang at kinikilala ito ng komunidad ng daigdig.
Sa pamamagitan ng mga polisya ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa pangangasiwa sa Xizang sa bagong panahon, ang rehiyon ay pumasok na panahong historikal na may pinakamabuting pag-unlad, pinakamalaking pagbabago, at pinakamaraming benepisyo para sa mga mamamayan, saad ni Lin.
Dagdag niya, malugod na tinatanggap ng Tsina ang mga dayuhang nais bumisita sa Xizang para malaman ang totoong kalagayan dito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio