Higit 325 bilyong yuan Renminbi, inilaan sa konstruksyon ng daan sa Xizang

2024-08-02 17:48:52  CMG
Share with:

Inihayag, Hulyo 31, 2024 ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Xizang ng Tsina, na mula noong 1953 hanggang 2023, inilaan ng sentral na pamahalaang Tsino ang mahigit 325 bilyong yuan Renminbi para sa konstruksyon ng mga daan sa rehiyon.

 

Hanggang sa ngayon, umabot na sa 123,300 kilometro ang kabuuang haba ng mga naisaoperasyong kalsada sa Xizang.


Sa nakalipas na sampung taon, nasa 5,805 proyekto ng kalsada ang isinagawa sa kanayunan ng Xizang, na kinabibilangan ng nasa 58,700 kilometro ng bago at rehabilitadong kalsada sa kanayunan.


Hanggang noong katapusan ng 2023, umabot na sa 93,000 kilometro ang kabuuang haba ng mga naisaoperasyong kalsada sa kanayunan sa buong rehiyon.


Ayon sa Kawanihan ng Transportasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Xizang, ang susunod na hakbang ay ang aktibong pagpapasulong ng konstruksyon ng network ng mga highway, pagpapabilis ng koneksyon ng lahat ng mga lunsod at mahahalagang puwerto, at pagpapabuti ng ordinaryong network ng mga pangunahing kalsada.


Salin: Zheng Zihang

Pulido: Ramil