Ipinahayag Agosto 29, 2024, ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang Tsina ay mayroong hindi mapag-aalinlangang soberanya sa Nansha Qundao at mga katabing tubig nito.
Sinabi ni Wu, na mula noong Abril ng taong ito, ang bapor 9701 ng Philippine Coast Guard (PCG) ay pumasok sa Xianbin Jiao ng walang pahintulot at ilegal na nanatili dito sa mahabang panahon at ito ay seryosong lumalapastangan sa soberanya ng Tsina, lumabag sa pandaigdigang batas at tuntunin ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at malubhang nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Saad nito na nagsisikap ang Tsina para maayos na kontrolin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon, pero, may limitasyon ang pasensya ng Tsina. Dapat isagawa aniya ng Pilipinas ang agarang aksyon para iurong ang bapor at tauhan nito sa Xianbin Jiao at ibalik ito sa estado ng walang nakatira at walang pasilidad.
Patuloy na isasagawa ng Tsina ang determinado at epektibong hakbangin para mapangalagaan ang mga karapatan at interes ng teritoryo at pandagat mga karapatan at kapakanang pandagat, dagdag ni Wu.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil