MOFA sa Pilipinas: Itigil ang panghihimasok at probokasyon

2024-08-26 16:59:47  CMG
Share with:

Sa news briefing ngayong araw, Agosto 26, 2024 ipinahayag ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na ang Xianbin Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina, at hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Pilipino na itigil ang panghihimasok at probokasyon.

 

Iligal aniyang pumasok, Agosto 25 ang isang bapor ng Pilipinas sa katubigan ng Xianbin Jiao at sinadyang binangga ang bapor ng China Coast Guard (CCG).

 

Ani Lin ang aksyonng ito ay pagbubulag-bulagan sa pagtutol at payo ng panig Tsino, kaya dapat isabalikat ng panig Pilipino ang responsibilidad sa nasabing insidente.

 

Saad pa niya, ginamit ng China Coast Guard (CCG) ang mga katugong hakbangin batay sa domestiko at pandaigdigang batas, at ang aksyon ng CCG ay propesyonal, mapagtitimpi at istandardisado.

 

Ang hakbang aniya ng panig Pilipino ay malubhang nakapinsala sa soberanya ng Tsina, lumabag sa Declaration on Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at nakapinsala sa katatagan at kapayapaan ng South China Sea.


Hinimok ni Lin ang panig Pilipino na alisin ang mga bapor sa katubigan ng Xianbin Jiao.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio