Nakipagtagpo Agosto 29, 2024, sa Beijing, si Zhang Youxia, Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina, kay Jake Sullivan, National Security Adviser ng Amerika.
Ipinahayag ni Zhang na ang pagpapanatili ng katatagan sa seguridad ng militar sa pagitan ng Tsina at Amerika ay hindi lamang angkop sa komong interes ng magkabilang panig, kundi pati na rin ang isang unibersal na mithiin ng internasyonal na komunidad.
Hinimok niya ang panig Amerikano na itama ang estratehikong pananaw nito sa Tsina at igalang ang pangunahing interes ng Tsina.
Nanawagan din siya na gumawa ng mga pagsisikap para itaguyod ang komunikasyon at pagpapalitan sa pagitan ng dalawang militar, at magkasamang isabalikat ang responsibilidad bilang pangunahing malalaking bansa.
Saad ni Zhang, ang isyu ng Taiwan ay pangunahing interes ng Tsina. Hinihimok ng Tsina ang Amerika na itigil ang pakikipagsabwatan ng militar sa Taiwan, itigil ang pag-armas sa Taiwan at itigil ang pagkalat ng maling naratibo tungkol sa Taiwan.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil