Inihayag ni Liu Dejun, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), na sinadyang banggain, Agosto 31, 2024, ng bapor ng Philippine Coast Guard (PCG) na Teresa Magbanua ang bapor ng China Coast Guard (CCG), na nagpapatupad ng batas sa bisinidad ng Xianbin Jiao ng Nansha Qundao.
Ani Liu, ang di-propesyonal at mapanganib na paglalayag ng bapor ng PCG ay nagresulta sa pagkagasgas ng bapor ng CCG.
Ito aniya ay responsibilidad ng panig Pilipino.
Bago maganap ang insidente, iligal na naka-angkla sa Xianbin Jiao ang Teresa Magbanua, dagdag niya.
Diin pa ni Liu, may di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina sa Xianbin Jiao, at ang agarang pag-alis ng Teresa Magbanua sa lugar na ito ay ang tanging tamang hakbang.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan