6 na bangkay ng bihag, natagpuan ng IDF sa Rafah

2024-09-02 13:38:12  CMG
Share with:

Inihayag, Setyembre 1, 2024 ng Israeli Defense Forces (IDF) na 6 bangkay ng bihag ang nagtapuan nila sa isang underground tunnel sa gawing timog ng lunsod Rafah, Gaza Strip.

 

Dagdag nito, pinaniniwalaang namatay ang mga bihag isang araw, bago ang pagkakatuklas.

 

Bago matagpuan ang mga labi, sinabi ng IDF na walang labanang nangyari sa pagitan nito at Hamas sa loob ng tunnel, ngunit nagkaroon ng matinding labanan sa lupa, sa ibabaw ng tunnel.

 

Samantala, nagkaroon ng malawakang pagmamartsa at demonstrasyon, Setyembre 1, sa iba't-ibang lugar ng Israel, kung saan ipinanawagan ng mga mamamayan sa gobyerno ng Israel ang agarang pagkakaroon ng kasunduan ng tigil-putukan upang mapalaya ang lahat ng bihag.


Salin: Shi Weiyang

Pulido: Rhio