Sa pamamagitan ng Institusyon ng Internasyonal na Komunikasyon sa Bagong Panahon, isiniwalat ng sarbey ng China Global Television Network (CGTN), isang institusyong pang-media na ari ng pamahalaang Tsino, at Renmin University ng Tsina, na ganap na kinikilala ng mga kabataang Aprikanong nasa 18 hanggang 24 anyos ang prinsipyo at bunga ng landas ng Tsina sa modernisasyon.
Mataas din nilang pinapurihan ang praktikal na bunga sa iba’t-ibang larangan ng mga kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Aprika, at inaasahan nila ang pag-unlad sa hinaharap.
Nananalig ang 89.9% ng mga respondiyente, na malaking pakinabang ang natamo ng mga bansang Aprikano sa kanilang relasyong pangkalakalan sa Tsina, samantalang 94.9% ang nagsabing napakahalaga para sa Aprika ang pagpapanatili ng malusog at matatag na ekonomikong relasyong pangkalakalan sa Tsina.
Kasali sa nasabing sarbey ang 10,125 respondiyente mula sa 10 bansang Aprikano na kinabibilangan ng Cameroon, Botswana, Ehipto, Ethiopia, Ghana, Kenya, Morocco, Nigeria, Timog Aprika, at Tanzania.
Sa mga ito, 3,710 (36.6%) ang nasa 18 hanggang 24 anyos.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio