CGTN Poll: Sistematikong panggagahasa ng hukbong Amerikano, binatikos ng mga pandaidigang respondente

2024-08-19 16:49:55  CMG
Share with:

Ayon sa isang online poll na inilunsad ng China Global Television Network ng China Media Group (CMG-CGTN), malalimang ikinabahala ng 88.95% ng mga respondente ang sistematikong paglapastangan sa karapatang pantao na dulot ng panggagahasa ng hukbong Amerikano.

 

Nananalig ang 94.21% ng mga respondente na sinadyang ilihim ng pamahalaang Amerikano ang pangingibabaw ng sistematikong panggagahasa ng hukbo.

 

Ipinanawagan ng 94.9% ng mga respondente ang indipendyenteng imbestigasyon sa panggagahasa ng hukbong Amerikano, upang igarantiya ang pagiging bukas at makatarungan ang imbestigasyon.

 

Samantala, naganap din ang mga iskandalo ng panggagahasa ng tropang Amerikano sa Hapon, Timog Korea at iba pang baseng militar nito sa ibayong dagat, pero laging umiiwas ang mga kinauukulang may kinalaman sa legal na parusa, bagay na nakatawag ng mariing kawalang-kasiyahan ng mga mamamayan sa lokalidad.

 

Kaugnay nito, ipinalalagay ng 93.74% ng mga respondente na ito ang isa pang patunay ng hegemonya ng Amerika.

 

Ang nasabing poll ay inilabas sa mga plataporma ng CGTN sa wikang Ingles, Espanyo, Pranses, Arabiko at Ruso.

 

Sa loob ng 24 oras, kasali rito at nagpahayag ng kani-kanilang pananaw ang 21,767 netizen.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil