Sa pamamagitan ng Institusyon ng Internasyonal na Komunikasyon sa Bagong Panahon, isiniwalat ng sarbey ng China Global Television Network (CGTN), isang institusyong pang-media na ari ng pamahalaang Tsino, at Renmin University ng Tsina, na 90.4% ng mga respondiyenteng Aprikano ang naniniwla, na ang mga praktis at prinsipyo ng “Kooperasyon ng Tsina-Aprika” ay nagpapakita ng mabuting halimbawa para sa mga umuunlad na bansa sa mga usaping pandaigdig at nagbigay ng mahahalagang solusyon para sa reporma ng sistema ng pandaigdigang pamamahala.
Ipinalalagay rin anito ng 81.7% ng mga respondiyente, na laging ipinagkakaloob ng Tsina ang paggalang, at mutuwal na suporta’t tulong sa Aprika.
Pinasalamatan naman ng 86.3% ng mga respondyente ang prinsipyo ng Tsina hinggil sa katapatan, tunay na resulta, mabuting pakikipag-ugnayan, at mabuting hangarin.
Kasali sa sarbey ang 10,125 respondiyente mula sa mga bansang Aprikano, na tulad ng Cameroon, Botswana, Ehipto, Ethiopia, Ghana, Kenya, Morocco, Nigeria, Timog Aprika, at Tanzania.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio