Great Hall of the People, Beijing – Magkakahiwalay na nakipagtagpo Lunes, Setyembre 2, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga lider ng mga bansang Aprikano na kalahok sa 2024 Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Isaias Afwerki ng Eritrea, inihayag ni Xi ang kahandaan ng panig Tsino na palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal sa panig Eritrean, pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, at isakatuparan ang komong kaunlaran.
Habang nakikipagtagpo sa kanyang Guinean counterpart na si Mamady Doumbouya, sinabi ni Xi na palalakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan, at tutulungan ang Guinea na gawing makina ng pag-unlad ang sariling bentahe sa yaman, upang mas mainam na makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa sa komprehensibo, estratehiko’t kooperatibong partnership ng Tsina at Guinea.
Tinukoy ni Xi na ang pagpapalakas ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga umuunlad na bansang kinabibilangan ng mga bansang Aprikano ay pundasyon ng diplomasya ng Tsina.
Ang FOCAC aniya ay hindi lamang mabisang mekanismo ng pagpapasulong sa pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Aprika, kundi watawat din ng South-South Cooperation.
Salin: Vera
Pulido: Ramil