Sa kanyang magkahiwalay na pakikipagtagpo, Linggo, Setyembre 1, 2024 sa Beijing kina Ronald Lamola, Ministro ng Pandaigdigang Relasyon at Kooperasyon ng Timog Aprika, at Yacine Fall, Ministrong Panlabas ng Senegal, inihayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mainit na pagtanggap sa pagdalaw ng mga lider ng dalawang bansang ito sa Tsina at pagdalo rin sa 2024 Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
Kasama ng panig Aprikano, nakahanda aniya ang panig Tsino na pabutihin ang koordinasyon, matatag na suportahan ang pagtatanggol ng mga bansang Aprikano ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan sa pag-unlad, at kapit-bisig na buuin ang pantay at maayos na multi-polarisasyon ng mundo at ekonomikong globalisasyon na may unibersal na benepisyo at pagbibigayan.
Inulit naman ni Lamola ang paggigiit ng pamahalaan ng Timog Aprika sa patakarang isang-Tsina.
Sina Ministrong Panlabas Wang Yi (kanan) ng Tsina at Ronald Lamola (kaliwa), Ministro ng Pandaigdigang Relasyon at Kooperasyon ng Timog Aprika
Kinakatigan aniya ng Timog Aprika ang serye ng inisyatibang pandaigdig na iniharap ng panig Tsino, at nakahandang pasulungin, kasama ng panig Tsino ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansa ng “Global South.”
Ayon naman sa ministrong Senegalese, sa panahon ng gaganaping FOCAC, isasagawa ni Pangulong Bassirou Diomaye Faye ang dalaw-pang-estado sa Tsina.
Sina Wang Yi (kanan) at Yacine Fall(kaliwa), Ministrong Panlabas ng Senegal
Ito aniya ang kauna-unahang pagdalaw ni Pangulong Faye sa labas ng Aprika.
Umaasa siyang mapapalalim ng nasabing pagdalaw ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Senegal at Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio