Ipinatalastas ngayong araw, Setyembre 2, 2024 sa Beijing nina Pangulong Xi Jining ng Tsina at Pangulong Assimi Goita ng Mali ang pagpapataas ng relasyon ng dalawang bansa sa estratehikong partnership.
Si Goita ay nasa Beijing para dumalo sa idaraos na 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
Tinukoy ni Xi na patuloy na susuportahan ng Tsina ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal sa Mali at palalalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura, enerhiya, pagmimina at imprastruktura.
Umaasa naman si Goita na mapapabuti ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga larangan ng agrikultura, pagmimina at seguridad.
Saad niya, matatag na iginigiit ng Mali ang patakarang isang-Tsina at hinahangaan ang pagsisikap at ambag ng Tsina sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio