Nakipagpulong Setyember 2, 2024, sa Beijing, si Preyer Li Qiang ng Tsina kay Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika na kalahok sa 2024 Summit ng Forum sa China-Africa Cooperation (FOCAC).
Ipinahayag ni Li na ang pagpapataas ng bilateral na ugnayan ng all-round strategic cooperative partnership sa makabagong panahon, na inihayag nina Pangulong Xi Jinping at Ramaphosa ay nagbukas ng bagong kabanata para sa pagbuo ng isang mataas na antas ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Timog Aprika.
Aniya, nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa Timog Aprika para ipatupad ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, at isulong ang matatag na pag-unlad ng relasyon at kooperasyong Sino-Timog Aprikano.
Ipinahayag naman ni Ramaphosa ang kahandaan ng kanyang bansa na palawakin ang bilateral na kalakalan sa Tsina sa balangkas ng kooperasyon ng Belt and Road, at palalimin ang kooperasyong may mutwal na kapakinabangan sa mga larangang gaya ng pamumuhunan, imprastraktura, enerhiya, at pagpapalitang tao-sa-tao at kultural.