Ayos kay Meng Yuying, puno ng International Taxation Department ng State Taxation Administration ng Tsina (STA), lumagda Setyembre 2, 2024, ang Tsina at 21 bansang Aprikano sa mga kasunduan sa pagbubuwis.
Winika ito ni Meng sa isang press conference ng 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
Aniya, layon nitong palalimin ang kooperasyong pandaigdig sa pagbubuwis ng Tsina at mga bansang Aprikano.
Ang mekanismong ito ay nagkaloob ng isang plataporma para sa mga bansang Aprikano na makilahok sa internasyonal na pagpapalitan, dagdag pa niya.