Nakipagpulong Setyembre 2, 2024, si Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina kay Pangulong Lazarus Chakwera ng Malawi na kalahok sa 2024 Forum on China-Africa Cooperation Summit (FOCAC).
Ipinahayag ni Han na nakahandang palakasin ng Tsina ang mataas na antas ng pagpapalitan sa Malawi, patuloy at matatag na suportahan ang isa't isa sa mga isyung may kaugnayan sa nukleong kapakanan, at palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapaki-pakinabang upang mas mabenepisyunan ang mga mamamayan ng kapuwa bansa.
Sinabi naman ni Chakwera na ang karanasan sa pag-unlad ng Tsina ay nagbibigay ng makabuluhan at mahalagang inspirasyon sa Malawi.
Dagdag niya, ang dalawang bansa ay nagtatamasa ng pangmatagalang pagkakaibigan, iginagalang ang isa’t isa at nagkakaroon ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.