9th FOCAC Ministerial Conference, idinaos sa Beijing

2024-09-04 16:49:03  CMG
Share with:

Idinaos Setyembre 3, 2024, sa Beijing, ang ika-9 na Ministerial Conference ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) na naglatag ng batayan para sa FOCAC Beijing summit.

 

Sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na tiyak na ilalatag ng summit ang bagong yugto ng magkakasamang pag-unlad ng Global South tungo sa modernisasyon.

 

Lumahok sa kumperensyang ito ang mahigit 300 tauhan na kinabibilangan ng mga ministrong panlabas at ministrong pang-ekonomiya mula sa 53 kasaping bansang Aprikano ng FOCAC, at kinatawan ng African Union at ibang rehiyonal at internasyonal na organisasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil