Unang Ginang ng Tsina at Senegal, nagkita't nag-tsaa

2024-09-04 18:26:27  CMG
Share with:

Sa pagkikita at pagtsa-tsaa, Setyembre 4, 2024, sa Beijing nina Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina at Unang Ginang Marie Khone Faye ng Senegal, ipinahayag ni Peng ang pag-asang walang humpay na lalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Senegal sa pamamagitan ng pagpapalitang kultural.

Aniya, nakahanda siyang ibahagi kay Faye ang karanasan sa edukasyon sa mga kababaihan at iba pang kinauukulang larangan para pabutihin ang pag-unlad ng usapin ng mga kababaihan ng Tsina at Aprika.


Samantala, ipinahayag ni Faye na nakahanda isyang lalo pang pagandahin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig tungo sa walang humpay na pag-unlad ng pagkakaibigan ng Senegal at Tsina.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio