Peng Liyuan at asawa ng pangulo ng Poland, bumisita sa National Center for the Performing Arts ng Tsina

2024-06-25 14:16:43  CMG
Share with:

Bumisita kahapon ng hapon, Hunyo 24, 2024 sa National Center for the Performing Arts (NCPA) ng Tsina sina Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Agata Kornhauser-Duda, asawa ni Pangulong Andrzej Duda ng Poland.

 

Sa kanilang paglilibot sa NCPA, binisita nila ang isang eksibisyon ng sining sa Beijing Intangible Cultural Heritage na nagpapakita sa likhang-sining ng mga Tsino.

 

Ipinahayag ni Peng na kasunod ng dumaraming pagpapalitan ng kultura ng dalawang bansa, higit pa nitong mapapalalim ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Bukod dito, nanood din sila ng mga pagtatanghal, kabilang na ang tradisyonal na katutubong musikang Tsino, Peking opera, at mga komposisyon ng piano mula sa dalawang bansa.

 

Ipinahayag naman ni Agata ang pag-asang ibayo pang pahihigpitin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at kooperasyon para mapalalim pa ang pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan.

 

Salin: Ernest

Pulido: Ramil