Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng China Global Television Network (CGTN) at Renmin University of China sa pamamagitan ng New Era International Communication Research Institute para sa mga respondente ng Aprika, ganap na kinumpirma ng mga kabataang respondenteng Aprikano na may edad mula 18 hanggang 24 ang konsepto at mga tagumpay ng modernisasyong Tsino at pag-unlad, at may mataas na ekspektasyon para sa tagumpay ng pratikal na kooperasyong Sino-Aprikano sa iba’t ibang larangan sa makabagong panahon.
Natuklasan sa sarbey na 98.7% ng mga kabataan ang tumitingin sa Tsina bilang isang matagumpay na bansa. Bukod pa rito, 99% ng mga respondente ang humanga sa teknolohikal na lakas ng Tsina.
Sa sarbey, 89.9% ng mga kabataang respondenteng Aprikano ang naniniwala na ang mga bansang Aprikano ay nakinabang ng malaki sa kanilang relasyon sa kalakalan sa Tsina.
Lumahok sa naturang sarbey ang 10,125 respondente mula sa 10 bansang Aprikano na kinabibilangan ng Cameroon, Botswana, Ehipto, Ethiopia, Ghana, Kenya, Morocco, Nigeria, Timog Aprika, at Tanzania.
Kabilang sa mga ito ay ang 3,710 respondente (36.6%) na mga kabataang may edad 18 hanggang 24.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil