Sa kanyang talumpati, Setyembre 5, 2024, sa seremonya ng pagbubukas ng 2024 Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na itinatag ang FOCAC noong 2000, at mayroong itong mahalagang katuturan sa kasaysayan ng relasyong Sino-Aprikano.
Sa mula’t mula pa aniya’y, nagkaka-unawaan at suportado ng Tsina at Aprika ang isa’t-isa, na naging modelo ng bagong relasyong pandaigdig.
Dagdag ni Xi, dapat magkakasamang magsikap ang Tsina at mga bansang Aprikano para pasulungin ang modernisasyong may 6 na katangian, na kinabibilangan ng pantay-pantay at makatuwirang modernisasyon, bukas at win-win na modernisasyon, modernisasyong nagpapauna ng mga mamamayan, dibersipikado at inklusibong modernisasyon, modernisasyong mapagkaibigan sa ekolohiya, at modernisasyon tungo sa kapayapaan at katiwasayan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio