Inihayag, Setyembre 4, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na opisyal na bibisita sa Tsina si Punong Ministro Jonas Gahr Støre ng Norway mula Setyembre 9 hanggang 11.
Dagdag ni Mao, ngayong taon ay ang ika-70 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Tsina at Norway, at mahalaga para sa Tsina ang pagpapaunlad ng ugnayan sa Norway.
Handa aniyang makipagtulungan ang kanyang bansa sa Norway upang gamitin ang pagbisitang ito bilang pagkakataon na itaguyod ang patuloy na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ethan
Pulido: Rhio