Tsina at mga bansang Aprikano, nangakong palalakasin ang de-kalidad na kooperasyong Belt and Road

2024-09-06 16:44:03  CMG
Share with:


Ayon sa mga dumalo sa mataas na antas na pagpupulong ng patuloy na 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), Setyembre 5, 2024, nangako ang Tsina at mga bansang Aprikano na palalakasin ang kanilang de-kalidad na kooperasyon sa ilalim ng inisyatiba ng Belt and Road.

 

Pinangunahan nina Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng Tsina at Pangulong William Ruto ng Kenya, ang pagpupulong na nakatuon sa de-kalidad na kooperasyong Belt and Road.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ding na ang Aprika ay mahalagang partner sa kooperasyong Belt and Road. Sa pamamagitan aniya ng pagpapalakas ng estratehikong pag-uugnayan at pagpapalakas ng praktikal na kooperasyon, nakamit ng Tsina at Aprika ang makabuluhang mga resulta.

 

Dagdag niya na ang magkabilang panig ay dapat pagbutihin at pahusayin ang kooperasyong pang-ekonomiya at pangkalakalan, magkasamang palawakin ang pragmatikong kooperasyon sa mga bagong larangan, at palakasin ang kolaborasyon sa mga aspeto tulad ng pampublikong kalusugan, berdeng transisyon at didyital na ekonomiya.


Salin: Shi Weiyang


Pulido: Ramil