Premyer Tsino, lumahok at nagtalumpati sa ika-8 Conference of Chinese and African Entrepreneurs

2024-09-06 17:19:38  CMG
Share with:

Lumahok at nagtalumpati Setyembre 6, 2024, si Premyer Li Qiang ng Tsina, sa ika-8 Conference of Chinese and African Entrepreneurs na idinaos sa China National Convention Center sa Beijing.

 


Tinukoy ni Li na ang kooperasyong pang-ekonomiya at pangkalakalan ng Tsina at Aprika ay mahalagang pundasyon ng kooperasyong Sino-Aprikano at natamo nito ang maraming bunga sa ilang taong nakalipas, na nagkaloob ng malakas na suporta para magkatuwang na pasulungin ang modernisasyon ng dalawang panig.

 

Dapat mas mahigpit na magtulungan ang Tsina at Aprika para itaguyod ang kooperasyong pang-ekonomiya at pangkalakalan sa mas malalim at mas mataas na lebel.

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina na palakasin ang kooperasyon sa Aprika sa mga larangang tulad ng didyital na ekonomiya, artificial intelligence, bagong enerhiya at iba pang larangan, para buuin ang bagong lakas tagapagpasulong sa kooperasyon ng dalawang panig, at galugarin ang higit pang bagong punto ng ekonomikong paglago.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil