Nanawagan Setyembre 5, 2024 ang mga lider ng Tsina at Aprika para sa mas pinahusay na kooperasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa isang high-level meeting ng 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
Pinangunahan ang pulong nina Cai Qi, Kaliham ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Denis Sassou Nguesso, Pangulo ng Republika ng Congo.
Ipinahayag ni Cai na ipagpapatuloy ng Tsina ang masigasig na pagpapalawak ng kooperasyon sa kapayapaan at seguridad sa loob ng balangkas ng FOCAC, magtatatag ng isang pakikipag-ugnayan sa mga bansang Aprikano para ipatupad ang Global Security Initiative, at magtatayo ng mga demonstration zone para sa kooperasyon sa ilalim nito.
Nakahanda aniya ang Tsina na gumanap ng mas malaking papel para sa pagtataguyod ng kapayapaan at seguridad sa Aprika.
Salin: Tala
Pulido: Ramil
Tsina at mga bansang Aprikano, nangakong palalakasin ang de-kalidad na kooperasyong Belt and Road
Peng Liyuan at asawa ng pangulo ng Republika ng Congo, nagkita't nag-tsaa
Tsina at bansang Aprikano, nangakong sama-samang isulong ang modernisasyon
Relasyong Sino-Liberian, ini-upgrade sa estratehikong partnership