Ipinahayag Setyembre 5, 2024, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ganap na matagumpay ang 2024 Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
Sinabi ito ni Wang sa kanyang pakikipagtagpo sa press kasama nina Ministrong Panlabas Yacine Fall ng Senegal, at Ministro ng Ugnayang Panlabas Jean-Claude Gakosso ng Republika ng Congo.
Sa panahon ng summit, sinang-ayunan aniya ng Tsina at Aprika na buong lakas na suportahan ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa kanilang pangunahing interes at isagawa ang tunay na multilateralismo.
Sinabi niya na sumasang-ayon din sila sa paglaban ng pamiminsala, pagtugon sa kawalang-katarungan sa kasaysayan, at pagsulong ng modernisasyon upang mapakinabangan ng lahat ng mamamayan.
Binanggit ni Wang na ipinakikita ng summit ang matatag na kumpiyansa ng Global South sa pagkakaisa at kooperasyon.
Ayon naman kina Fall at Gakosso, nakahanda ang Aprika na makipagtulungan sa Tsina sa pagpapatupad ng mga resulta ng summit at konsensus sa pagitan ng dalawang panig, palalimin ang pagkakaibigan ng Tsina at Aprika, at pagsasakatuparan ng pinagbabahaginang pag-unlad at komong kasaganaan.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil
Tsina at mga bansang Aprikano, nangakong palalakasin ang de-kalidad na kooperasyong Belt and Road
Tsina at bansang Aprikano, nangakong sama-samang isulong ang modernisasyon
Relasyong Sino-Liberian, ini-upgrade sa estratehikong partnership
Relasyong Sino-Burundian, pinataas sa komprehensibo’t estratehikong partnership