Matatag na gawaing panaklolo, ipinanawagan ni Xi Jinping makaraang manalasa ang bagyong Yagi

2024-09-08 18:05:23  CMG
Share with:

 

Pagkaraang manalasa ng bagyong Yagi sa katimugan ng Tsina na kinabibilangan ng mga lalawigang Hainan, Guangdong, at Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, ipinanawagan, Setyembre 7, 2024, ni Pangulong Xi Jinping sa lahat ng may kinalamang departamento ng pamahalaan ang pagpapalakas ng pagsisikap sa mga gawaing panaklolo.

 

Aniya, dapat mahusay na isagawa ang relokasyon at pagkakaloob ng pansamantalang panirahan sa mga apektadong tao, iwasan ang mga sekondaryang sakuna, at bawasan ang kasuwalti.

 

Kailangan din aniyang agarang kumpunihin ang mga nasirang imprastruktura ng transportasyon, elektrisidad, komunikasyon, at iba pa, at isagawa ang rekonstruksyon para panumbalikin ang normal na pamumuhay at pagtatrabaho ng mga tao.

 

Ayon sa pinakahuling estadistika, 4 ang nai-ulat na patay sa pananalasa ng bagyong Yagi sa katimugan ng Tsina, samantalang 95 iba pa ang sugatan.

 

Lampas naman sa 1.2 milyon ang mga apektadong tao.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan