Pinanguluhan Agosto 23, 2024, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, para suriin ang mga patakaran at hakbangin tungkol sa pagbuo ng bagong kalagayan ng malakihang pagpapaunlad ng kanlurang bahagi ng Tsina.
Ayon sa pulong, mahalaga ang malakihang pagpapaunlad ng kanlurang bahagi para sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino. Dapat anito bigyang-pokus ang pangangalaga sa kapaligiran, pagbubukas sa labas, at de-kalidad na pag-unlad, at pabilisin ang pagbuo ng bagong kalagayan ng usaping ito, para palakasin ang pangkalahatang puwersa at kakayahan sa sustenableng pag-unlad ng rehiyong ito.