Xi sa mga estudyante ng Beijing Normal University: maglingkod sa mga pinakanangangailangang lugar

2022-09-08 16:44:16  CMG
Share with:

Sinagot nitong Miyerkules, Setyembre 7, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham ng mga estudyante ng Beijing Normal University (BNU) na kasali sa proyekto ng paghubog ng mga guro para sa mga di-maunlad na rehiyon sa gawing gitna at kanluran ng bansa.

 

Sa okasyon ng ika-120 anibersaryo ng pagkakatatag ng BNU at bisperas ng ika-38 Araw ng mga Guro, ipinaabot ni Xi ang pagbati at pangungumusta sa mga guro, estudyante at mga alumni ng nasabing unibersidad.

 

Ipinadala rin niya ang pagbati sa lahat ng mga guro sa buong bansa.

 

Umaasa aniya siyang makaraang magtapos sa unibersidad, maglilingkod ang mga estudyante sa mga pinakanangangailangang lugar ng inang bayan, upang bigyang-ambag ang paghubog ng mga talento para sa sosyalistang konstruksyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio