Sesyon ng pirmihang komite, sinimulan ng NPC

2024-09-11 16:30:35  CMG
Share with:

Idinaos, Setyembre 10, 2024, ang Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-11 Sesyon ng Pirmihang Komite ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), pinakamataas na organong pang-lehislatura ng bansa para suriin ang ilang panukalang-batas na kinabibilangan ng panukala hinggil sa rebisyon sa National Defense Education Law, panukala hinggil sa pag-amiyenda sa Statistics Law, panukala hinggil sa rebisyon ng Law on the Prevention and Control of Infectious Diseases, panukala hinggil sa enerhiya na binibigyan ng higit na diin ang pagpapasulong sa transisyon sa berde at mababang karbong enerhiya, panukala hinggil sa rebisyon ng Anti-Money Laundering Law, panukala hinggil sa pagtugon sa pangkagipitang pampublikong kalusugan, panukala hinggil sa nasyonal na parke, at panukala hinggil sa pag-amiyenda sa Supervision Law. 


Sinuri din sa pagtitipon ang ulat sa pagsasakatuparan ng plano ng pag-unlad sa pambansang ekonomikong panlipunan na sinimulan noong unang dako ng taong ito. 


Ang pulong ay pinanguluhan ni Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Komite ng Ika-14 NPC.


Salin:Sarah 

Pulido:Rhio