Ipinahayag, Agosto 20, 2024, si Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ang kahandaan ng bansa na makipagtulungan sa Inter-Parliamentary Union (IPU) at mga lehislatibong organo ng ibang mga bansa upang palawakin ang mga anyo ng pagpapalitan, pagyamanin ang nilalaman ng kooperasyon at patuloy na magpunyagi tungo sa mabungang resulta.
Sinabi niya ang mga ito bilang tugon sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng pagkakaugnay ng NPC sa IPU at pagbubukas ng seremonya ng 2024 interregional seminar sa tagumpay ng Sustainable Development Goals (SDGs) para sa mga parliamento ng umuunlad na bansa.
Ani Zhao, ang IPU ay ang pinaka-maimpluwensyang internasyonal na parliamentaryo na organisasyon na may mahabang kasaysayan at malaking sukat sa mundo ngayon.
Nanawagan siya sa lahat ng panig na palakasin ang multilateral na koordinasyon, isagawa ang tunay na multilateralismo, isulong ang isang pantay, maayos, multi-polar na mundo, at gawing mas makatarungan at pantay-pantay ang pandaigdigang sistema ng pamamahala.