Pangulong Tsino, naglalakbay-suri sa lalawigang Shaanxi at Gansu

2024-09-12 16:02:10  CMG
Share with:

Naglakbay-suri, Setyembre 10 hanggang 11, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa lunsod Baoji ng lalawigang Shaanxi, at lunsod Tianshui ng lalawigang Gansu.

 

Sa Baoji, binisita ni Xi ang Baoji Bronze Ware Museum at isang ekolohikal na parke sa tabi ng Ilog Weihe, para alamin ang pagpapalakas ng pangangalaga sa mga relikyang kultural, at pagsasa-ayos sa ekolohiya ng ilog.

 

Samantala, pinuntahan naman ni si Xi sa Tianshui ang Templo ng Fuxi, Groto ng Maijishan, at iba pa, para tingnan ang pangangalaga sa mga pamanang kultural, pagpapa-unlad ng industriya ng lokal na prutas at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio