Sa kanyang talumpati Setyembre 12, 2024, sa UAE-China Business Forum na idinaos sa Dubai, United Arab Emirates (UAE), ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na ang taong ito ay ika-40 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at UAE.
Si Premyer Li Qiang ng Tsina (photo from Xinhua)
Mabunga aniya ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at UAE sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang panig.
Dagdag ni Li, dumating na ang mahalagang pagkakataon upang pag-ibayuhin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at UAE, at umaasa siyang masasamantala ng dalawang panig ang bagong pagkakataong kinabibilangan ng dekalidad na patatatag ng “Belt and Road,” malakas na pag-uugnay ng estratehiya ng pag-unlad, inobasyon sa industriyang pansiyensiya at panteknolohiya, at iba pa.
Bukod diyan, malugod aniyang tatanggapin ng Tsina ang mas maraming kompanya ng UAE.
Dahil sa pagsisikap ng mga nogosyante ng dalawang panig, tiyak na magiging mas masigla ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa tungo sa mas mabuting pagpapasulong ng kaunlaran at kasaganaan, saad ni Li.
Lumahok sa pulong ang nasa 200 kinatawan mula sa mga pamahalaan ng Tsina at UAE, at mga samahang komesyal at kompanya.
Pinahahalagahan ng mga kalahok ang kasiglahan ng pag-unlad at potensyal ng merkado ng Tsina, at umaasa silang lalo pang lalakas ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t-ibang larangan para sa mutuwal na kapakinabangan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio