Sa paanyaya ni Mohammed bin Salman Al Saud, Prinsipe Heredero at Punong Ministro ng Saudi Arabia, dumating, sa Riyadh, Setyembre 10, 2024 (lokal na oras) si Premyer Li Qiang ng Tsina para dumalo sa Ika-4 na Pulong ng Mataas na Antas na Pinagsamang Komite ng Tsina at Saudi Arabia, at opisyal na pagdalaw sa bansa.
Sa kanyang pahayag, tinukoy ni Li, na sapul nang isagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Saudi Arabia noong Disyembre 2022, patuloy ang paglalim ng pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, umuunlad ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan at nananatiling mabuti ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Sa pamamagitan ng kanyang pagdalaw, umaasa si Li, na ibayo pang lalakas ang pag-uugnayan ng dalawang bansa sa estratehiya ng pag-unlad, mapapalawak ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba’t-ibang larangan, at mapapa-angat ang relasyon ng Tsina’t Saudi Arabia, relasyon ng Tsina’t mga bansang Arabe, at relasyon ng Tsina’t mga bansa ng rehiyong Gulpo sa bagong antas.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio
Li Xi, nakipagpulong sa pangalawang punong ministro at ministro ng serbisyo sibil ng Kambodya
Li Ganjie, nakipagpulong sa Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Serbisyo Sibil ng Kambodya
Pagpapahigpit ng pandaigdigang kooperasyon sa industriya ng robot, ipinanawagan ng premyer Tsino
Premyer Tsino, dadalaw sa Saudi Arabia at United Arab Emirates