Tsina at Amerika, ginawa ang ika-18 pulong para sa pagkokoordina ng patakarang pandepensa

2024-09-16 17:46:12  CMG
Share with:

 

Ayon sa ulat ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, idinaos Setyembre 14 at 15, 2024, sa Beijing, ang ika-18 pulong ng Tsina at Amerika para sa pagkokoordina ng patakarang pandepensa, kung saan malalim na nagpalitan ng palagay ang dalawang panig tungkol sa relasyong militar ng dalawang bansa, mga interaksyon sa susunod na yugto, at mga isyung komon nilang pinahahalagahan.

 

Ayon pa rin sa naturang ministri, magkasamang nangulo sa pulong na ito ang pangalawang puno ng Tanggapan sa Pandaigdigang Kooperasyong Militar ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina, at pangalawang asistanteng kalihim ng Kagawaran ng Tanggulan ng Amerika.


Editor: Liu Kai