Ayon sa opisyal na datos na inilabas, Setyembre 18, 2024, umabot sa 5.26 milyon ang mga biyaheng pumasok at lumabas ng Tsina, sa bakasyon ng Mid-Autumn Festival sa kasalukuyang taon sa bansa, at 1.75 milyon naman ang karaniwang dami ng biyahe kada araw.
Ito ay lumaki ng 18.6% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Ipinakikita ng datos ng Umetrip, isang aplikasyong nagkakaloob ng mga serbisyong gaya ng flight dynamics, na lumaki ng mga 15% ang mga international flight booking sa panahon ng bakasyon, kumpara noong nagdaang linggo.
Naging popular ang mga linyang gaya ng Shanghai-Tokyo, Shanghai-Osaka, Beijing-Tokyo at Qingdao-Seoul, bagay na nagpapakita ng malakas na pagbangon ng turismong pandaigdig.
Samantala, 1,597 lunsod ng 144 na bansa ang sinaklaw ng outbound travel booking.
Kabilang sa mga bagong destinasyon, may malaking proporsyon ang mga bansang Aprikano, na nagsilbing isang bagong sibol na hotspot sa merkado ng turismo sa ibayong dagat.
Salin: Vera
Pulido: Rhio